Magbabalik sa concert scene ang bandang LILY sa darating na Disyembre.

Matapos na ipakilala sa publiko si Joshua Camacho Bulot bilang pinakabagong bokalista ng banda noong Setyembre, all-set na ang comeback ng banda sa local music scene.

Basahin: Pinakabagong bokalista ng ‘LILY,’ dating ‘X-Factor UK’ contestant, ‘Rak of Aegis’ cast – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasama sina Lem, Alden, Nathan, Aaron at Joshua, magtatanghal ang brand new LILY sa Music Museum sa darating na Disyembre 2.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“We are ready to turn over a new leaf!” anang grupo sa isang anunsyo nitong Miyerkules, Oktubre 12.

Ito ang kauna-unahang concert ng grupo kasunod ng pagkalas ng dating bokalista na si Kean Cipriano.

Ilang masugid na fans naman ang nagpahayag na ng suporta ngayon pa lang para sa grupo.

Mabibili ang tiket ng concert via Ticketworld.com.ph.