Kinukuwestyon ngayon ng mga netizen si dating Senate President Tito Sotto III matapos niyang magbigay ng claim na makalipas umano ang 34 taon, ang kaniyang proposal o panukala noon na iparehistro ang mga Subscriber Identity Module (SIM) card, na mas napapanahon na rin dahil sa talamak na scam na nangyayari ngayon.

Kahapon, Oktubre 11, nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. bilang batas ang "SIM Card Registration Act", bagay na ipinagpasalamat naman ni Sotto.

"FINALLY!!! After 34 years of my proposal, now a law! Praise God!!!🙏" ayon sa tweet ng dating senador.

https://twitter.com/sotto_tito/status/1579317877391626240

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizen.

"Medyo confused lang po kami. 1988 po nagsimula ang proposal? Wala pa pong sim card that time. 1991 ang sim card na develop at 1992 kayo naging senador. Tama po ba?"

"Wala pang cellular phone system ang Pilipinas noong 1988. Ang kauna-unahang cellular phone company ay inilunsad lamang noong 1991 o 31 years ago."

"34 years? May SIM card na ba nun?"

"Sen. You proposed this in 1988? or am I missing something?"

Ilang mga netizen din naman ang nagtanggol kay Sotto at baka ito raw ay "exaggeration" lamang, na finally ay naisabatas na rin makalipas ang mahabang panahon, kagaya ng palasak na ekspresyong "After 48 years
"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/12/dating-senador-tito-sotto-iii-pinagtaasan-ng-kilay-dahil-sa-claim-ukol-sa-sim-card-registration-act/">https://balita.net.ph/2022/10/12/dating-senador-tito-sotto-iii-pinagtaasan-ng-kilay-dahil-sa-claim-ukol-sa-sim-card-registration-act/

Samantala, sinegundahan naman ng dating senador at ka-tandem sa nagdaang halalan na si Panfilo Lacson, Jr. ang claim ni Sotto tungkol sa matagal na nitong panukalang isulong na ang pagpaparehistro sa mga SIM card lalo't talamak ngayon ang mga nangyayaring text scams na bumibiktima sa cellphone users.

"Yes, I still remember my interpellation when you sponsored the measure on the floor. My first question was: what does SIM stand for? I also vividly remember your response."

"It took me a while to answer hahaha!" ani Sotto.

https://twitter.com/sotto_tito/status/1579373066433744897

Umayon naman dito si Senador Joel Villanueva na nagsabing isa sa mga legasiya ni Sotto ang naturang panukala.

"Thanks to you Boss SP @sotto_tito This is also your legacy as it is one of your pet bills Sir. God bless you more!"

Screengrab mula sa Twitter/Sen. Joel Villanueva

Sa iba pang tweets ay iginiit ni Sotto na matagal na niyang isinusulong ito subalit kumokontra naman ang mga telecom companies.

"In 1998 as Public Services comm chair, I asked NTC to issue a directive registering prepaids. They did! SC issued a TRO that lasted for decades!"

https://twitter.com/sotto_tito/status/1579318554335539200

"1998 pa when I proposed prepaid sim card registration, kontra na mga telcos! Daming dahilang palusot, all wrong!" giit pa ni Sotto noong Setyembre 30.

https://twitter.com/sotto_tito/status/1575647492808462337

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si "Titosen" tungkol sa pangunguwestyon sa kaniya ng mga netizen.