Matapos ang kaniyang reign, balak na tahakin ni Miss Universe 2021 Top 5 finalist Beatrice Luigi Gomez ang pag-aabogasya.

Ito ang ibinahagi ng Pinay beauty queen sa isang panayam kamakailan.

Noong Hulyo, nakuha ni Bea ang kaniyang Mass Communication degree sa University of San Jose Recoletos sa Cebu.

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

Balak naman nitong sundan agad ang kaniyang pangarap na pag-aabogasya.

Matatandaan na isa sa mga malinaw na adbokasiya ng beauty queen sa 70th Miss Universe ang ma-empower ang mga kabataang “in conflict with the law.”

Samantala, nag-react naman si Bea sa online tags sa kaniya ng fans ukol sa pagkakahawig niya umano sa pinakabagong Miss USA 2022 at kauna-unahang Pinay-American titleholder na si R’Bonney Nola.

Basahin: Fil-Am Miss USA R’Bonney Gabriel, niresbakan ni Tyra Banks sa gitna ng ‘cheating’ issue – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“A lot of people have been tagging me telling me that I look like her. So I guess I have another shot for Miss Universe again in the image of R’Bonney,” malambing at nakangiting saad ni Bea.

R'Bonney Nola/IG Story

Nagpasalamat naman ang Pinay-Texan sa tinitingalang Pinay queen.

“Thanks for the love @beatruceluigigmz keep shining!” saad ni R’Bonney.