Wagi ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Globe 2022 head-to-head challenge, na siya namang lalong nagbigay pag-asa para sa back-to-back win ng 'Pinas sa nasabing beauty pageant.

Nanalo si Binibining Pilipinas Globe 2022 Chelsea Lovely Fernandez sa head-to-head battle sa pagsasara ng interpellations sa Miss Globe 2022 Top 20 finalists.

Nakipagsabungan siya kay Miss United Arab Emirates (UAE), na tulad niya, ay nakatanggap din ng perfect score mula sa mga hurado.

Upang basagin ang pagkakatabla, hinayaan ng mga hurado na hayaan ang mga semifinalist na bumoto sa pagitan ng Miss Globe Philippines at Miss Globe UAE, at dito nagwagi si Fernandez.

National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

Sa pagkapanalo ni Miss Globe PH, pumuwesto ng ikalawa si Miss Globe UAE na si Anamaria Babau; ikatlo si Cleopatra Jones ng United States of America; ikaapat na pwesto si Sofia Donado ng Colombia; at nasa ikalimang puwesto si Prisa Abah ng Ghana.

Kinoronahan ni ouutgoing queen, Maureen Montagne, mula rin sa Pilipinas, si Chelsea bilang challenge winner sa isang no-frills ceremony pagkatapos mismo ng kompetisyon.

Si Montagne rin ang nag-award sa mga nanalo sa hamon ng Talent at Bikini shows noong unang bahagi ng linggo.

Ang head-to-head challenge ay isang segment kung saan pinag-uusapan ng mga beauty queen ang kani-kanilang adbokasiya, at ang mananalo sa nasabing hamon ay magkakaroon ng bentahe sa finals night ng pageant.

Bukod sa head-to-head battle, nakapasok din si Chelsea sa finals ng Miss Globe talent competition, kung saan kinanta niya ang hit song ni Rihanna na "Diamonds."

Samantala, pinaalalahanan din ng Miss Globe Organization (MGO) ang mga pageant fans na ipagpatuloy ang pagboto sa kanilang mga paboritong kandidato dahil awtomatikong kuwalipikado sa Top 15 semifinal round ang makakatanggap ng pinakamataas na boto.

Ang 2022 Miss Globe coronation night ay gaganapin ngayong Sabado, Oktubre 15 (Oktubre 16 sa Manila) at ipapalabas nang live sa YouTube channel ng Miss Globe.