Hindi na matutuloy ang 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ito ay nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang panukalang ipagpaliban ito.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11935 na nilagdaan ni Marcos nitong Oktubre 10, itutuloy ang BSKE sa huling Lunes ng Oktubre 2023.

Pagkatapos nito, idadaos na ang BSKE kada tatlong taon.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Nakapaloob sa nabanggit na batas na uupo sa kanilang puwesto ang mga barangay at SK officials sa Nobyembre 30 o halos isang buwan pagkatapos ng eleksyon.