Isa ang nasawi at isa rin ang naiulat na nawawala sa Cagayan bunsod ng bagyong Maymay, ayon sa pahayag ngProvincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Miyerkules.

“We're verifying isa ring lumabas ng bahay nangisda din daw. This is a reported dead. Na-retrieve 'yung cadaver kahapon lang ng hapon. But we're still trying to verify kung related ito doon sa ating sama ng panahon,” pahayag ni PDRRMOchiefRuelie Rapsing sa panayam sa telebisyon.

Naiulat aniya ng Santa Ana Municipal Police sa Cagayan ang isang nawawala na nagpumilit umanong mangisda sa laot sa kabila ng inilabas na gale warning ng mga awtoridad nitong Martes.

Nitong Miyerkules, nasa 1,270 na residente ang inilikas sa limang bayan, ayon sa PDRRMO.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Kaugnay nito, inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang relief goods para sa mga pamilyang apektado ng bagyo sa lalawigan.

Sa huling abiso naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), anim na lalawigan pa rin ang isinailalim sa Signal No. 1.

Kabilang sa mga ito ang Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, at dulong northern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo group of islands.

Huling namataan ang bagyo sa305 kilometro silangan ng Baler, Aurora, taglayang hanging 45 kilometer per hour (kph) at bugsong hanggang 55 kph.

ReplyForward