Diretsahang sinagot ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda ang mga reaksiyon at komento ng mga netizen hinggil sa looks ng kaniyang co-star na si Ivana Alawi sa pelikula nilang "Partners in Crime" na hatid ng Star Cinema, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Inilabas na kasi ng Star Cinema ang pa-teaser nito sa social media, at tila ilang mga netizen ang pumuna sa "curly hair" at kulay ng balat dito ni Ivana.

"Pag eto nagkamake over tas naging straight yung buhok… lordddd nagsstart pa lang ako makakita ng maraming tao na inaaccept yung curly hair nila, step backwards na naman po ata ang magaganap," sey ng isang netizen.

Hindi naman ito nakaligtas kay Meme. Niretweet niya ang post ng netizen at kinomentuhan sa pamamagitan ng tweet.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"Anong mali pag ginusto at pinili ng isang taong kulot ang buhok na ipaunat ang buhok niya? Walang mali sa kulot. At wala ring mali kung gusto niyang ipaunat ito. Ang mali ay ang baluktot ang pananaw mo at nagpapanggap kang tuwid! Ang mali ay ung ang nega nega nega mo!!!!!"

https://twitter.com/vicegandako/status/1579494692697542656

Isa pang tweet ng netizen ang kinomentuhan ni Vice.

"As a curly-haired morena, I pray na walang part sa movie na gawing katatawanan ang looks ni Ivana. Otherwise, it's gonna be offensive for me. And disappointing towards Vice Ganda."

Sey naman ni Vice, "Makakaasa kang walang ganun."

https://twitter.com/vicegandako/status/1579530360551256064

"The point kasi meme is Ivana having curly hair then may makeover scene tapos magiging straight yung hair nya. Also, morena pa skin nya. For sure after the makeover magiging fairer yung complexion nya portraying na mas maganda yung may fair skin and straight hair," talak naman ng isang netizen.

"Have you watched the film yet? Girl 4 sequences pa lang nashu-shoot namin. Don’t stress yourself," banat ng komedyante.

https://twitter.com/vicegandako/status/1579531384825470976

Ang pelikulang ito ay muling pagbabalik-Metro Manila Film Festival ni Vice Ganda matapos ang dalawang taon. Ito rin ang unang beses na makakasama niya sa pelikula si Ivana, at maidederehe ni Direk Cathy. Ayon nga sa kanilang hashtag, "#StarCinemaIsBackInCinemas".