Opisyal nang binuksan para sa mga lokal at dayuhang turista ang pinakamalaking floral garden sa mundo, ang “Dubai Miracle Garden.”

Sa pangunguna ng Garden’s creator, designer at managing director na si Engr. Abdel Naser Rahhal kasama ang chief financial officer na si Mr. Fahimuddin, pormal nang binuksan ang award-winning floral destination nitong Lunes, Oktubre 10.

View this post on Instagram

A post shared by Dubai Miracle Garden (@dubaimiraclegarden)

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

Para sa ikalabing-isang season ng atraksyon, tampok sa lugar ang mas pinalawak na “The Smurf Village,” kaliwa't kanang 3D design sa mga water at lighting display at siyempre ang nasa 150 milyong mga bulaklak mula sa nasa 120 varieties nito.

Ang pagbubukas ng destinasyon ay bahagi sa layunin ng pamahalaan ng Dubai na gawing “most visited destination” ang bansa kasabay ng pinakamalaking sporting event sa rehiyon, ang FIFA Wolrd Cup.

“As one of the UAE’s top attractions, Dubai Miracle Garden is proud to contribute to Dubai’s tourism ecosystem by offering a unique and diverse experience to residents and overseas visitors, further enhancing the city’s position as a year-round must-visit destination. We are proud to play a role in making Dubai a global destination for lifestyle and tourism,” ani Rahhal sa isang pahayag.

Dubai Miracle Garden/Instagram

“With every new season, there are high expectations to surpass the creativity, innovation and scale of floral exhibits we’ve had in the past. In the 11th edition, Dubai Miracle Garden is prepared to bedazzle its visitors more than ever before,”dagdag niya.

Bukas sa libu-libong turista ang atraksyon araw-araw.