May pagpipiliian nang digital transfer para sa monetary church offering, at para sa iba pang donasyon ang isang simbahan sa Parañaque City.

Viral sa Facebook ang larawan ng QR code para sa digital transfer ng church donations sa Our Lady of Unity Parish, Diocese of Parañaque.

Biro pa ng uploader, “Pati si Lord may Gcash na.”

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Sa kanilang Facebook page, parehong Gcash QR code din ang makikita sa kanilang cover photo na pwedeng pagpadalhan ng mananampalataya sa kanilang daily mass.

Sa pamamagitan ng Facebook broadcast, maaaring makadalo virtually sa kanilang misa kada-7:30 ng umaga mula Lunes hanggang Sabado, at kada-7:30, alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon bawat Linggo.

Sa pag-uulat nasa 24,000 reactions at 22,000 shares na ang naturang Facebook post.

Parehong kinaaliwan ng marami ang anila’y high-tech nang tradisyon maging sa simbahan.