Sa kabila ng mga isyung ibinabato sa kaniya ngayon, tila kampante lamang ang CEO ng isang beauty product na si "Rosemarie Tan Pamulaklakin" o mas kilala bilang "Rosmar Tan" lalo na sa isyu ng umano'y "hidwaan" nila sa isa pang CEO ng beauty product na si Miss Glenda Victorio.

Naging laman na nga ng mga balita ang umano'y pagsampa ng kaso ng CEO ng kalabang beauty product na si Miss Glenda sa isang taong naninira sa kaniya na naging dahilan ng pagkakasakit at pagkaka-ospital, ayon sa latest social media posts nito.

Bagama't wala namang binanggit na pangalan, naniniwala ang mga netizen na si Rosmar umano ito, dahil daw sa mga palitan nila ng parinigan sa social media kamakailan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/11/ceo-ng-beauty-products-na-si-miss-glenda-victorio-magsasampa-ng-kaso-sa-taong-naninira-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/11/ceo-ng-beauty-products-na-si-miss-glenda-victorio-magsasampa-ng-kaso-sa-taong-naninira-sa-kaniya/

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Reaksiyon naman ni Rosmar, "Natatawa ako sa mga taong nagsasabi na matakot daw ako sa kaso🤣 linyahan ng mga walang pang bayaaad ng abogado🤣😜 talk to my lawyersssssssssssss1000x."

Aniya pa, "Pinasisikat mo lang ako lalo! thank you ROSMAR LANG PEYMUS."

Hindi pinangalanan ni Rosmar kung sino ang pinariringgan niya subalit naniniwala ang mga netizen na para ito kay Miss Glenda.

Sa iba pang FB post, sinabi ni Rosmar na nakatakda rin siyang magsampa ng kaso sa "Iba't ibang tao".

"Papunta pa lang tayo sa exciting part. Ubusan ng laCASH pala ang gusto nyo pagbibigyan ko kayo. So it's my turn na?"

"RELAX MUNA TAYO OVERNIGHT BAGO MAG FILE NG PATONG PATONG NA KASO BUKAS SA 'IBAT IBANG TAO'. ABANGAN! PAGTITYAGAAN KO KAYO KAHIT MEDYO SASAYANGIN N'YO ORAS KO. SANA LANG UMABOT HANGGANG DULO ANG LACASH NYO! HAHAHAHA," dagdag pa ni Rosmar.

Hindi naman niya binanggit kung sino-sino ba ang tinutukoy niyang "iba't ibang tao".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/11/ubusan-ng-cash-rosmar-tan-wafakels-sa-kasong-isasampa-raw-sa-kaniya-magdedemanda-rin/">https://balita.net.ph/2022/10/11/ubusan-ng-cash-rosmar-tan-wafakels-sa-kasong-isasampa-raw-sa-kaniya-magdedemanda-rin/

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ni Rosmar ang screengrab ng komento sa kaniya ng isang netizen, na siya raw kasi ang number 1 kaya "kabado" na ang iba sa kaniya.

"Ganun talaga mga be, kapag hitik ang bunggggaaaa pilit pinupukol."

"Sabi nga best revenge ang success kaya ano pang hinihintay nyo? Damihan nyo na ang pag aaaaaaaadd to caaaart!🤣❤️"

"Grabe lalong lumakas! Iba talaga pag alam ng Diyos ang totoo, Content versus reality!"

"Bait ko kaya… pag tulog!" biro pa ni Rosmar.

Sa isa pang mahabang Facebook post, ipinaliwanag ni Rosmar na pamilya lamang niya ang nakakaalam kung ano talaga ang tunay na siya.

"Ang daming nagsasabi na ang lakas kong mang-ASAR at ang YABAAAANG ko HAHAHA! Well content ko kasi yun, Doon ako nakilala , ganoon ako nakilala sa social media. Pero hindi ibig sabihin nun ganun ako sa totoong buhay. Naalala ko nung nakasabay ko sa taping si Kuya Baron Geisler, kontrabida siya at masama sa buhay ng showbiz, pero kung paano nya ako inassist at sinama sa tent nila Coco Martin noon para ipakilala, at itour sa buong taping ng 'Ang Probinsyano', at kung paano niya binigyan ng upuan ang misis nya napakabait, mahina pala boses nun sa personal at malambing," bahagi ng kaniyang post.

Sunod nito ay isinalaysay ni Rosmar kung ano-ano ang kaniyang mga pinagdaanan sa pagbuo ng kaniyang negosyong beauty products. Kaya naman, hindi siya nagpapaapekto sa bashers dahil wala naman daw silang alam sa tunay niyang pagkatao.

Hindi rin umano uso kay Rosmar ang "pa-victim" posts.

"Sorrrry kung sa mga post ko di ako mukhang nakakaawa, kasi di ako pinalaki ng magulang ko na pa-victim para makakuha ng simpatya ng tao. Mas gusto kong mahalin n'yo ako kung sino talaga ako, Ako si? ROSMARLANGMALAKAS," aniya.