Mula 2011 pa nahilig magpa-tattoo ang 36-anyos na si Ralph Manila ng Makati City, at ang pinakahuling ipinaukit sa katawan ang tatatak sa lahat, aniya sa isang panayam ng Balita Online.

Noong Oktubre 7, inalala ni dating Vice President at ngayo’y Angat Buhay Chairperson Leni Robredo ang naging pagsabak niya sa nakaraang May 2022 elections.

Kasabay nito, maraming tagasuporta ni Robredo ang nagbalik-tanaw sa simula ng mahigit pitong buwang pagsama sa kandidatura ng personalidad.

Isa na rito si Ralph na nag-iwan pa ng panghabambuhay na resibo at paalala sa aniya'y naging “pag-asa” ng Pilipinas.

Ginang, na-swipe wrong sa dating app; na-scam ni 'Mr. Right' ng higit <b>₱</b>100K

Nitong Lunes, Oktubre 10, ipinaburda ng Kakampink sa kaniyang magkabilang braso ang petsa ng paghahain ni Robredo sa kaniyang kandidatura sa pagkapangulo noong Oktubre 7, 2021 at ang opisyal na 15,035,773 boto nito matapos ang eleksyon.

“Gusto ko lang itatak sa balat ko at isama ang kapwa ko 15 million voters sa history na ginawa natin. Panghabangbuhay ko na kaseng dadalhin sa pagkatao ko na sobrang proud ako na I voted for VP Leni,” ani Ralph sa panayam ng Balita.

Pagbabalik-tanaw ng Kakampink, noong nakaraang eleksyon lang siya unang naging marubdubin sa kampanya at sa isang kandidato.

Sa katunayan, present din si Ralph sa malalaking rallies ni Robredo kagaya ng “PasigLaban,” at “Makatindig” miting de avance ng “Tropang Angat.”

“Walang hassle, masaya kahit pagod at di ako nagutom and kapa nagpakita na Angat Team lalo na si VP Leni sobrang nakakaiyak,” paglalarawan ni Ralph sa karanasan.

Sa naturang pagtitipon aniya lang naranasan ang “true spirit of bayanihan.”

Bagaman hindi sang-ayon ang sariling pamilya sa naging pagsuporta kay Robredo, nananatiling positibo ang Kakampink tungo sa hangarin ng dating bise-presidente.

“Inisip ko na rin na baka pagtawanan ako pero sabi ko nga, hinding-hindi mababali ng kahit anong rason or kung sino man na si VP Leni ang karapat-dapat na manalo noon at sa puso ko siya pa rin ang panalo.”

Nauna nang inanunsyo ni Robredo ang paglalabas ng libro na “Tayo Ang Liwanag” bilang memorabilia sa inilunsad sa “People’s Campaign.”