Bukod sa insidente ng pang-ho-hostage kay dating Senador Leila de Lima sa loob ng Camp Crame nitong Linggo ng umaga na ikinasawi ng tatlong detainee, nagkaroon na rin ng unang kahalintulad na kaso sa nasabi ring punong tanggapan ng pulisya noong 2003 na ikinapaslang ng tatlong pulis at isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa rekord ng pulisya, ang insidente ay naganap noong Oktubre 7, 2003 kung saan inagaw umano ng miyembro ng bandidong grupo na si Buyungan Bungkak, ang M-16 rifle ng bantay na si Senior Police Officer 1 Frumencio Lafuente na kanyang hinostage.

Bago ang insideye, ikinulong si Bungkak sa Camp Crame dahil sa pambobomba sa isang pubhouse sa Zamboanga City na ikinasawi ng ilang katao, kabilang ang isang US serviceman, noong Oktubre 2002.

Sa police report, binaril ni Bungkak ang ulo ng nasabing pulis at pinagbabaril din nito sina Police Officer (PO) 1 Arvin Garces at Police Officer (PO) 3 Alistaire Ace Garcia hanggang sa bawian sila ng buhay matapos tangkaing tulungan ang kasamahang si Lafuente.

National

PBBM nagbabala kontra POGO, IGL: ‘Di na kailanman papayagang manalasa ang mga ito!’

Napatay naman si Bungkak nang makorner ito ng mga pulis sa palikuran ng Anti-Organized Crime and Businessmen’s Concern Division (AOCBCD) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa nasabing compound matapos makipagbarilan.

Ang insidente ay naganap sa gitna ng pagiging full alert ng pulisya sa nakatakdang pagbisita noon ni US President George Bush noong Oktubre 18, 2003.