Pinag-uusapan ngayon sa social media si Senator Robin Padilla dahil nakasuot ito ng uniporme ng sundalo kahit nasa gitna ng Senate hearing.
Sa nasabing litrato, kitang-kita na hindi maayos ang pagkakasuot ng uniporme ni Padilla habang ito ay nagpapaliwanag sa gitna ng imbestigasyon sa isang usapin.
"Wala pa akong nakitang Senator or guests na hindi properly attired. Or nagsuot ng ganyan sa session hall," puna ng isang netizen.
"Pero not in the Senate session, pwede naman 'yan isuot 'pag wala siya sa Senado 'd' ba?" dugtong naman ng isang pa.
Nakatitiyak naman ang isa ring nakasilip sa suot ni Padilla na "kung ordinaryong tao angnagsuotng military uniform,maaarestokaagad ito at ikukulong bago kasuhan."
Noong Hulyo 31, 2017, nanawagan ang Philippine Army (PA) na isumbong kaagad sa kanila ang sinumang hindi awtorisadong nagsusuot ng uniporme ng sundalo at uusigin dahil sa paglabag saArticle 179 ng Revised Penal Code (Illegal Use of Uniforms or Insignia).
"We highly encourage the public to report cases of violations of RepublicAct 493 and Article 179 of the RPC to proper authorities. We must instill pride in the service and in the uniform and accord it due respect," panawagan pa ng PA.