Tinalakay ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa kaniyang vlog 227 ang tungkol sa Kalusugan, Kabuhayan, at Kapayapaan, para sa ika-100 araw ng kaniyang panunungkulan bilang presidente ng bansa.

"Iba’t iba mang mga programa at proyekto ang nailunsad at naisagawa sa nakaraang isandaang araw, lahat ng ito ay upang mapagtibay ang tatlong pundasyon ng ating pagbangon - kalusugan, kabuhayan, at kapayapaan," ayon sa caption ni PBBM sa kaniyang opisyal na Facebook page noong Sabado, Oktubre 8.

"Sa gabay ng Panginoon at inyong pakikiisa, ipagpapatuloy lang po natin at pag-iigihin ang ating nasimulang trabaho at pagsisilbi sa bayan."

"Sa ating pagtutulungan at pagkakaisa, sama-sama tayong babangon muli!"

National

‘We are not at war!’ PH, ‘di magpapadala ng Navy warships sa WPS matapos China aggression – PBBM

Sa isa pang hiwalay na Facebook post ay ibinahagi ni PBBM ang kaniyang pubmat tungkol sa pagsuporta sa mga produktong lokal.

"Ito ang isang halimbawa ng sinasabi nating pagpapalakas ng value chain ng agrikultura. Mula sa research, sakahan, pag-aani, hanggang sa produksyon ng iba’t ibang pagkain," ani PBBM.

"Kayang-kayang makipagsabayan sa pandaigdigang merkado ang mga produktong ito."

Mababasa naman sa pubmat ang ganito," Ang moderno at malikhaing mga produktong pang-agrikultura ay magpapalawak sa oportunidad ng ating mga magsasaka at mangingisda sa merkadong ginagalawan."