Tila marami ang naka-relate sa post ng isang netizen sa isang Facebook page para sa mga commuter matapos niyang ibahagi ang kaniyang ticket na kaniyang sinakyan mula sa Laguna patungong Maynila.

Batay sa Facebook post ni Frederick Astrologio sa Facebook page na "Commuters of the Philippines," malaki raw kasi ang itinaas ng pamasahe niya patungo sa trabaho---sa dating ₱68, ngayon ay nasa ₱82 na!

Dahil dito, napapaisip na raw siyang magbitiw sa kaniyang trabaho dahil parang sa pamasahe na lamang napupunta ang kaniyang sinusuweldo.

"Grabe sakit na sa bulsa from 68 pesos to 82 pesos," aniya sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Oktubre 3, 2022.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

"Mapapa-resign ka talaga nang maaga kasi pati sweldo mo napupunta na lang sa pamasahe," dagdag pa niya.

Larawan mula sa FB ni Frederick Astrologio

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Ang sakit talaga sa puso. Pati sa bulsa."

"Tapos pang food mo pa kapag hindi libre sa company… kaya napilitan ako mag-loan ng motor, malaking tulong talaga pag may motor ka makakatipid ka po talaga."

"Sa pamasahe na lang napupunta, sayang pa pagod mo."

"Humirit kayo ng dagdag-sahod para pantay. Di nakita ng gobyerno ang paghihirap ng mga mananakay."

Habang isinusulat ito ay umabot na sa 2.1K reactions at 1.4K shares ang Facebook post na ito.