Ipinagpaliban ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 256 angpagdinig sa kaso ni dating Senador Leila de Lima nitong Lunes, Oktubre 10, dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sa pahayag ng abogado ng dating senador na siRolly Francis Peoro, nagpasya si Judge Romeo Buenaventura na kanselahin ang hearing matapos malaman na nagpolsitibo sa sakit si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.
Matatandaangkabilang si Abalos sa mga sumugod sa Camp Crame custodial center upang bisitahin si De Lima kasunod ng pananaksak sa isang pulis at hostage-taking incident na kinasasangkutan ng tatlong detainee nitong Linggo ng umaga.
Aniya, nagkaroon ng pag-uusap sina Abalos at De Lima pagkatapos ng insidente.
Idinagdag pa ng abogado na nasa courtroomna si De Lima nang matanggap ang impormasyong tinamaan ng Covid-19 si Abalos.
Si De Lima ay sinampahan ng patung-patong na kaso kaugnay umano ng pagkakadawit sa paglaganap ng illegal drugs sa loob ng National Bilibid Prison.
Nakapiit si De Lima sa Camp Crame mula nang maaresto noong Pebrero 2017.