Tiniyak ng bagong upong officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS) na si Cheloy Garafil na magkaroon ng mga pagbabago sa nasabing tanggapan.

Aniya, pupulungin nito ang mga opisyal ng OPS upang talakayin ang pamamalakad sa nasabing ahensya.

"Ngayon pa lang kami mag-mi-meeting talaga formally on the operations of the OPS. So tingnan natin but definitely you'll see some changes in the coming days," paniniyak nito sa panayam sa telebisyon nitong Lunes, Oktubre 10.

Nitong nakaraang linggo, nagbitiw si Garafil sa puwesto bilang chairperson ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)matapos tanggapin ang naturang puwesto na inialoksa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

National

OLALIA-KMU, iginiit karapatan ng mga manggagawa na makapag-unyon

Dating hawak ni Trixie Cruz-Angeles ang nabanggit na posisyon. Nag-resign si Angeles at idinahilan ang kanyang kalusugan.

"Last week ipinatawag niya ako (Marcos) and he said na kailangan niya ng someone sa OPS na makatulong and he offered me the OIC position, I said yes, of course..." pagdedetalye ni Garafil.

"Actually, ang ano ko naman, hindi na importante kung OIC o full-pledged na Secretary... ang mahalaga sa akin, ang importante sa akin, 'yung trust and confidence na ibinigay sa atin ng ating Pangulo, na binigyan niya tayo ng pagkakataon at trust na makatulong sa ating OPS," dagdag pa ni Garafil.