Nagbabala sa publiko ang Government Service Insurance System (GSIS) nitong Lunes, Oktubre 10, laban sa mga pekeng Facebook page, profile, at grupo na gumagamit ng pangalan ng ahensya para sa scam.
“Do not disclose confidential information without confirming the message’s authenticity,” paalala ng GSIS.
Ang ahensya ay mayroon lamang isang opisyal na Facebook account at mayroon itong asul na verification badge na nagpapatunay sa pagiging tunay nito.
Sinabi rin ng GSIS na hinding-hindi nito hihilingin sa mga miyembro at pensioner nito ang mga sensitibong impormasyon tulad ng One-Time Password, Card Verification Value, Personal Identification Number, at iba pang impormasyong nakasulat sa GSIS card.
Anumang kahina-hinalang aktibidad ay maaaring iulat sa mga contact center ng GSIS na makikita sa website at Facebook account nito.
Luisa Cabato