Nagpahayag ng pagiging bukas si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Oktubre 10, na ilagay ang nakakulong na dating Senador Leila de Lima sa ilalim ng home furlough.

"Ito ay isang posibilidad" bagaman dapat gumawa ng inisyatiba si De Lima upang humingi ng pahintulot sa Muntinlupa City regional trial court (RTC) para sa home furlough, sinabi ni Remulla habang ipinuntong "iyan ay dapat pag-usapan sa open court."

Lumutang ang home furlough para kay de Lima kasunod ng hostage-taking noong Linggo, Oktubre 9, sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Quezon City.

Isa sa tatlong detenido na nagtangkang tumakas ay nang-hostage kay de Lima at nagbanta na papatayin siya. Ang nakakulong, kasama ang kanyang dalawang kasabwat, ay namatay nang rumesponde ang mga operatiba ng PNP.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Hinimok ni Senator Imee Marcos si de Lima na tanggapin ang alok ng DOJ at PNP para sa home furlough.

“I strongly urge Sen. Leila de Lima to have the medical checkup she requires, with her own physician, as well as immediately take up the extended home furlough that both the DOJ and the PNP offered as early as July,” ani Senador Marcos.

“As former members of the Kabataang Barangay together, we are all deeply worried about her health and safety,” aniya.

Si De Lima ay nakakulong mula noong 2017 sa mga kaso ng non-bailable illegal drugs sa Muntinlupa City (RTC).

Nauna na niyang itinanggi ang mga paratang.

Jeffrey Damicog