Inaasahan na ang isang malakihang price increase sa produktong petrolyo sa Oktubre 11.

Sa pahayag ng Caltex, itataas nila ang presyo ng kanilang produktong pagsapit ng 12:01 ng madaling araw ng Martes.

Aabot sa ₱6.85 ang idadagdag ng Caltex sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel, ₱1.20 naman sa gasolina at ₱3.50 sa kerosene.

Magpapatupad din ng kaparehong price adjustment ang Shell, SeaOil at Cleanfuel.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Gayunman, hindi gagalaw ang presyo ng kerosene ng Cleanfuel.

Ang naturang hakbang ay kasunod ng pahayag ng mga bansang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus na magbabawas sila ng produksyon ng langis sa Nobyembre.

Matatandaang ilang linggo nang nagpatupad ng bawas-presyo sa gasolina, diesel at kerosene ang mga oil company dahil na rin sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.