Bumaba pa at umaabot na lamang sa 17.9% ang seven-day Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) habang nasa less than 1 na rin ang reproduction number nito.

Ito ay batay na rin sa datos ng OCTA Research Group na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Lunes.

Ayon kay David, ang positivity rate ng Covid-19 sa NCR ay bumaba na sa 17.9% noong Oktubre 8, mula sa peak na 19.1% noong Oktubre 1.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa sakit mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.

National

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’

Samantala, ang Covid-19 reproduction number naman sa NCR ay bumaba na rin sa 0.99 noong Oktubre 6, mula sa dating 1.10 noong Setyembre 29.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring ihawa ng isang pasyente ng sakit.Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng mabagal na hawahan ng virus.

Ani David, ang one-week average ng mga bagong Covid-19 infections sa rehiyon ay nasa  -18% na lamang matapos na bumaba ng mula 1,057 noong Oktubre 2, ay naging 863 na lamang noong Oktubre 9.

Ang average daily attack rate (ADAR) naman sa NCR ay nabawasan rin sa 5.99 per 100,000 population, at ikinukonsidera na ngayong nasa ‘low risk’ classification.

Maging ang healthcare utilization para sa Covid-19sa NCR ay bumaba rin sa 36% habang ang intensive care unit (ICU) occupancy ay nasa 28% lamang hanggang Oktubre 8, na kapwa nasa low risk rin.

“We hope that cases in the NCR continue to decrease, but with the new subvariants coming in, a wall of immunity that is not solid, and the increasing numbers in other parts of the country, we might expect to see more ups and downs in new Covid cases towards the end of the year,” aniya pa.