Hinostage ng tatlong inmates si dating Senator Leila de Lima matapos saksakin ng mga ito ang isang pulis na nagrarasyon ng pagkain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa loob ng Camp Crame nitong Linggo ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief General Rodolfo Azurin at sinabing nasa kritikal na kondisyon ang nasabing pulis na hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Aniya, dakong 6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa nasabing detention facility kung saan nakakulong ang dating senador.

Nagtungo aniya sa lugar ang naturang pulis upang mag-deliver ng pagkain ng mga detainee.

National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Davao Oriental

Gayunman, bigla itong sinaksak ng tatlong presong nasa kanilang kustodiya.

Pagkatapos ng pananaksak, kaagad nilang hinatak si De Lima at ginawang hostage.

“Ginawa pa pong hostage si Senator Leila de Lima. Ang ano naman do’n, kahit papaano, na-contain naman ng ating kapulisan. Of course, naitakbo ‘yung pulis natin sa ospital. Nasa critical condition,” sabi ni Azurin sa panayam sa telebisyon.

Nagtangka pang tumakas ng tatlo, gayunman, naaresto rin sila ng mga pulis.

“Hindi masyadong nasaktan si Senator de Lima. Pina-pacheck up natin siya kung ano kalagayan niya. Definitely, she is safe," dagdag pa nito.