Pinayuhan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang publiko na iwasan na muna ang labis na pagbili upang makontrol ang inflation.

Sa pahayag ng NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, nakasalalay sa mga mamimili ang pagkontrol sa pagbilis pa ng inflation.

“Dahil ang inflation ibig sabihin ay mataas ang demand tapos kakaunti 'yung mga produktong nabibili,” ayon Edillon.

Dalawang paraan lang aniya ang maaaring gawin upang makayanan ang mataas na inflation -- ang pababain ng demand at pataasin ang produksyon.

National

Sec. Angara, nalungkot sa desisyon ng Kongreso na kaltasan ng ₱12B ang DepEd

Binanggit nito ang inflation nitong Setyembre na umabot sa 6.9 porsyento mula sa 6.3 porsyento nitong Agosto dahil na rin sa mataas na halaga ng pagkain o serbisyo.

Nauna nang nagbabala ang Philippine Statistics Authority na inaasahang mananatili pa rin ang mataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa huling tatlong buwan ng 2022 bunsod ng tumataas na gastos sa pagkain at transportasyon, paghina ng halaga ng piso kontra dolyar at matinding pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng bagyong 'Karding.'