May pa-blind item si Manay Lolit Solis tungkol sa artistang babae na kaya raw maraming pera dahil may sugar mommy raw ito.

"Mag blind item ako ngayon araw Salve, hah hah hah. Ang dami kasi nagtataka kung bakit marami daw pera ang star na ito. Para bang ang laki ng kinita niya sa showbiz samantalang iyon iba na mas mataas ang level kesa kanya wala ng mga ipinagmamalaki niyang investment," sey ni Manay nitong Sabado, Oktubre 8 sa kaniyang Instagram post.

"Talagang nakaka inggit ang mga properties niya, na kung susumahin mo, parang hindi naman ganun kalaki ang kanyang kinita sa showbiz," dagdag pa niya. 

Ispluk pa ni Manay, wala raw itong sugar daddy dahil never naman daw na-link ang artistang ito sa mga mayayamang lalaki o politiko.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

 

Pasabog pa nito na hindi raw alam ng mga tao wala nga itong sugar daddy pero mayroon naman daw itong very very rich mama na isa raw tomboy.

"Ang hindi nila alam, wala nga siyang rich papa pero meron siyang very very rich MAMA. YES, hindi lalaki kundi tomboyita ang sugar mommy ni star. Bongga di ba ? May dugong foreigner ang nasabing tomboyita, kaya siguro buy din ng property abroad ang star," sey ni Lolit.

"Iyon pala ang reason kung bakit sila nag break ng kanyang ex boyfriend. Dahil na discover nito ang kanyang relasyon sa tomboyita, kaya hiniwalayan siya. Bongga di ba ! Wala ngang sugar daddy, meron naman sugar mommy, mahiwaga talaga ang buhay. Sobrang HIWAGA." 

Sa tingin niyo da who kaya itong artistang ito? any guess?