Anim na buwang buntis man para sa ikawalang baby girl nila ni Nico Bolzico, aktibo pa rin sa gym ang Kapuso celebrity momma na si Solenn Heussaff.

Ito ang iflinex ng aktres sa kaniyang Instagram nitong Biyernes, Oktubre 7, na parehong ikinamangha at ikinagulat ng fans, at kaibigang celebrities.

Sa maikling IG video, makikita kasi ang extreme workout pa rin ng Kapuso actress mahigit anim na buwan na sa kaniyang pagdadalantao.

Pagpapaalala naman ng aktres sa kapwa preggy mom na nagtatanong ukol sa kaniyang healthy pregnancy hack, “always ask your doctor first.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pagbabahagi pa ni Solenn, bago pa mabuntis, all-out na siya sa gym para sa kaniyang hard routine.

“I don't shock my body and make sure with my trainer that all exercises we do are postpartum safe,” dagdag niya.

Ayon sa isang pag-aaral ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), ang pag-eehersisyo habang buntis ay may dalang sari-saring benepisyo sa parehong inang nagdadalantao at sa sanggol nito sa sinapupunan.

Kabilang dito ang mababang tsansa ng preterm at cesarean birth, labis na weight gain, pagkakaroon ng gestational diabetes o hypertensive disorder.

Mabisang paraan din ito para mapanatili ang physical fitness ng isang buntis at gayundin ang pagkontrol sa karaniwang lower back pain ng preggy moms dala ng lumalaking tiyan.

Dagdag ng pag-aaral, nakatutulong din ang pag-eehersisyo para maiwasan ang depression at anxiety ng mga buntis gayundin ang mas mabilis at positibong postpartum recovery.

Ilang kapwa celebrities naman ang nag-cheer sa aktres kabilang sina Bianca Gonzales, Iza Calzado, Nicole Anderson, Bianca King, bukod sa iba pa.

Biro ng mister ni Solenn na si Nico, “That baby girl will be born fit na!”

Sa pag-uulat, pinusuan na ng nasa 73,000 netizens ang Instagram update ng Kapuso hot momma.