Hindi na raw bago ang isyu tungkol sa pagitan ng aktres na si Herlene Budol at ng dating manager nito, sey ni Lolit Solis na isang ding talent manager. 

Ayon sa kaniya, pangit daw na ang pinag-aawayan ng dalawang tao ay tungkol sa pera.

"Iyon issue ni Herlene Budol o Hipon Girl sa kanyang dating manager Salve, hindi na bago. Kaya nga dapat sa manager/talent relationship open kayo sa isa't isa. Ang pangit na ang pinag aawayan ng dalawang tao ay pera. Dapat talaga pareho ninyo alam ang kinikita para maliwanag," sey ni Manay sa kaniyang Instagram post kamakailan.

"Siguro naman hindi pa ganun kalaki ang TF ni Hipon Girl para hindi mabilang kaagad. At dapat din alam ng manager na kailangan ireport niya ang kinikita ng kanyang talent. Hindi maganda na sa umpisa pa lang para bang confrontational na tao si Herlene Budol na kaagad may issue sa manager na kasama niya sa kanyang career.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Dapat inayos nila ito kaagad, para mas magandang ang mga unang balita sa kanya ay tungkol sa career niya at hindi sa away nila ng manager niya," dagdag pa niya.

Sey pa ni Lolit, sana raw ay hindi masayang ang big break nito sa show business dahil minsan lamang daw dumating suwerte.

"Bongga si Herlene na meron agad isang serye na uumpisahan. Kaya naman ngayon pa lang ang ingay na ng pangalan niya. Sana huwag masayang ang magandang break na ito, dahil minsan lang dumating ang mga ganitong suwerte. Welcome Hipon Girl, sana nga magtagumpay ka. Bongga."

Matatandaang emosyunal na nagsadya at inireklamo ni Herlene sa public service program ni Senador Raffy Tulfo, ang dati niya umanong talent manager, Oktubre 4, 2022.

Inakusahan niya ang dating talent manager at kaibigang nagngangalang “Elizabeth ‘Elize’ Estrada”, dahil umano sa panloloko nito sa kaniya, kaugnay sa talent fee na aabot sa milyon ang halaga.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/05/herlene-budol-pina-tulfo-dating-talent-manager-milyong-tf-di-binigay/