Naglabas ng pahayag si Senador Risa Hontiveros hinggil sa unang 100 araw na panunungkulan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

Ayon kay Hontiveros, ramdam na ramdam umano ng Pilipinas ang gulo sa Malacañang.

"Matapos ang 100 araw sa posisyon, tila natatakot ang Malacañang na iharap ang kanyang sarili sa salamin. Nakakabagabag kasi ang maisisiwalat nito, tulad ng nagsisimulang makita ng masang Pilipino. Ramdam na ramdam ng bayan ang gulo sa Malacañang," saad nitong Biyernes, Oktubre 7.

"The President’s lack of management skills and a topsy-turvy bureaucracy are blockages in government functions, as shown by the non-handling of the sugar import fiasco in the middle of the recession. Sa maraming sangay ng gobyerno, wala pa ring kaayusan ang liderato," dagdag pa niya.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Binigyang-diin ng senadora ang pagre-resign ng dalawang cabinet officials at COA chairperson at ang kawalan ng kalihim sa Department of Health (DOH) at Department of Agriculture (DA).

"Two Cabinet officials and the COA chairperson have already resigned. At hanggang ngayon, wala pa ring Health Secretary o Agriculture Secretary na silang dapat tutugon sa pandemya at food shortage," ani Hontiveros. 

Binanggit din ng health and women's right advocate ang pinaka huling Pulse Asia Survey na kung saan umabot sa 42 porsiyento ng mga Pilipino ang hindi sumasang-ayon sa 'lack of urgency' ng pangulo pagdating sa pagco-control ng inflation.

"The most recent Pulse Asia survey revealed that 42% of Filipinos disapprove of the President’s lack of urgency when it comes to controlling inflation, which our kababayans believe is the most pressing issue today," aniya.

"Because inflation soared to 6.9%, araw-araw dumadami ang mga nagugutom na pamilya sa bansa. The peso has plummeted to historic lows. Marami ang nawalan ng trabaho. Nagkukulang na tayo sa gulay at asukal, habang tumataas rin ang presyo ng gasolina at kuryente," dugtong pa ng senadora.

"Bagamat nakapag-appoint siya ng mala-Avengers na economic team, hindi pa rin malinaw ang direksyon ng pagbawi ng ating bansa mula sa recession. Kung yan ang basehan, masasabing walang bakas sa First 100 days ng pagbangon ng ekonomiya ang itatampok ng administrasyong ito."

Paglilinaw ni Hontiveros, hindi naman umano nila inaasahan na malulutas ng administrasyon ang mga problema sa bansa sa loob ng 100 araw. Ngunit aniya, wala na raw silang panahon.

"We do not expect the administration to solve all the problems of the nation in 100 days, but Mr. President, we do not have the luxury of time.

"Ang daming kailangang ayusin. Ang daming nangangailangan ng tulong. The President should have taken control of the wheel 100 days ago. But since no one can turn back time, he needs to put his back into the real work now."