Kinagigiliwan din ngayon ng mga netizen ang 'Gusto Ko Nang Bumitaw' challenge ng mga anak ni Melai Cantiveros na sina Mela at Stela.

Ito'y matapos mag-viral ang 'chicken nuggets' na video ng mga anak ng aktres na kuha sa isang vlog nito noong Setyembre 10. 

Sa isang Facebook group na "Main Pop Girls Stanposting," ishinare ng isang netizen ang naturang video at umani ito ng mga iba't ibang reaksyon mula sa netizens dahil tuwang-tuwa sila sa mag-iina. 

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Samantala, sa Instagram post ni Melai nitong Huwebes, Oktubre 6, ipinost niya ang video ng mga anak niya habang kumakanta ng hit song na "Gusto Ko Nang Bumitaw."

Umani rin ito ng mga komento mula sa mag netizen.

"Mama thank you very muchhh!!!! You know that I love CHICKEN NUGGETS!!!!! (me too mamaaaaa)"

"Ganda ng boses nung panganay. Kita na agad pagka singer"

"Same mannerism sa kamay ni Melai pero magaling pa rin!"

"galing naman.. Omg ang panganay Biritira na dis.. Good job kiddos"

"Hala ang ganda ng boses ni ate pati baby, pwede pala maging singer"

"Taas Ng Boses ni Mela.Mela your a good singer someday take care of yourself always take care of your voice someday your papa and mama is very proud of you."

"Chicken Nuggets. Asta gyung liwata sa imo Ms. Melai"

"Ang kukuleeeeet ate"