Ispluk ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na masuwerte siya dahil libre raw ang lahat nang magpunta siya sa isang race event sa Singapore kamakailan.

Sa isang TikTok video ng user na  target="_blank">ferdinand_alexander7, mapapanood ang panayam ng presidential son na kung saan ibinahagi niya na may sarili siyang lakad sa Singapore kasama ang kaniyang mga kaibigan

"Noong nandun ako sa Singapore, hindi ko sinamahan ang tatay ko. May sarili akong lakad we were 12 of us, ako at ang aking mga kaibigan... matagal na naming plinano 'yan, matagal na naming binook 'yan," saad ni Sandro.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pagpunta nila ng kaniyang ama na si Pangulong Bongbong Marcos sa Singapore.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Gayunman, sinabi rin niya na libre siya sa Singapore dahil kaibigan nila ang organizer.

"We are a big group and thankfully, matagal na naming kaibigan ang organizer para sa akin, so inimbita kami and well libre lahat so medyo swerte ako," ayon pa sa presidential son.

Samantala, nagsalita na rin si Sandro tungkol sabali-balitang girlfriend niya ang aktres na si Alexa Miro.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/06/sandro-marcos-nagsalita-na-tungkol-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-alexa-miro/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/06/sandro-marcos-nagsalita-na-tungkol-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-alexa-miro/