Nagsalita na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos tungkol sa bali-balitang girlfriend niya ang aktres na si Alexa Miro. 

Sa isang TikTok video ng user na data-type="URL" data-id=", mapapanood ang panayam ng presidential son na kung saan mariin niyang itinanggi na girlfriend niya ang aktres.

"Kaibigan... magkaibigan talaga kami ever since," saad ni Sandro. 

Ipinaliwanag din niya 'yung kumalat na larawan nila ng aktres na kung saan naispatan sila sa isang race event sa Singapore kamakailan. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/03/sandro-marcos-alexa-miro-naispatan-sa-isang-race-event-sa-singapore-trending-sa-twitter/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/03/sandro-marcos-alexa-miro-naispatan-sa-isang-race-event-sa-singapore-trending-sa-twitter/

Aniya, staged lamang daw ang pagkuha sa larawan na 'yun. "I was in big group of people, nung kami po ay umiikot may lumapit sa amin and may kinukuha kaming I think something to drink or whatever. May lumapit sa amin and they said na picturan ko kayo pero you have to cheers and look happy. So 'yung gumaganon kami [cheers] staged 'yun."

"Pero ang hindi ko alam ay lalabas yan sa F1 website, 'yan ang hindi ko alam. Akala ko parang amateur photographer lang na umikot na was taking pictures na tinanong sa akin, oh can you please do this," dagdag pa niya.

"Eh nung lumabas eh ang daming nag-a-assume. Number one, that I was with my dad... number two, na si Alexa, girlfriend ko which is not, she's a friend of mine and kasama yan sa barkada ko." 

Matatandaang matagal nang nali-link ang presidential son sa aktres dahil sa pagiging close nila sa isa’t isa– na inamin din ng aktres na super close talaga sila nito.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/14/alexa-miro-inaming-super-close-sila-ni-sandro-marcos/