Umaani ngayon ng iba't ibang reaksiyon at komento sa social media, partikular sa mga nasa medical field, ang isang hospital scene sa Kapuso afternoon series na "Abot Kamay na Pangarap" na pinagbibidahan ni Jillian Ward at Carmina Villaroel, at ang unang Kapuso project ni Dominic Ochoa.

Inilarawan bilang "inaccurate depiction" ang isang eksena sa emergency room na ibinahagi ng Twitter account ng GMA. Sa naturang eksena, gustong operahan ni Analyn Santos (Jillian Ward) ang pasyente na umano'y may appendicitis, subalit pinipigilan siya ng mga kasamahan dahil wala pa raw siyang karanasang mag-opera.

Sa bandang dulo ay tila naniwala naman sa kaniya ang surgeon nang sabihin ni Analyn na mali ang nakalagay sa unang findings ng pasyente.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/gmanetwork/status/1576109659659898881

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga medical practitioners dahil hindi raw ganito ang tunay na nangyayari sa mga ospital. Nagbigay rin sila ng babala sa mga mag-aaral ng medisina na huwag itong tutularan.

"Wag tularan, di po ganito ang proseso,” saad ng isang physician na si Gia Sison.

“This sends out a wrong message to the viewers on how the medical field specifically, hospital, ER and OR settings work. Will not go into the specific details on differentials, diagnosis and management but The Art and Science of Medicine have both been gravely compromised,” pahayag naman ng isa pang physician na si Harold Henrison Chiu.

“To med students: wag tularan. May tamang proseso ng referral,” sabi naman ng dermatologist na si Winlove Mojica.

Sa kabilang banda, nilinaw naman ng direktor nitong si LA Madridejos na may mga konsultasyon sila sa mga eksperto sa medical field bago nila gawin ang mga eksena. May approval din umano bago i-ere ang mga ito.

"Hi guys. Yup. May mga full episodes tayo na naka-upload sa YT ng GMA. Rest assured, may mga consultants during the take and meron ding nag-aapprove bago i-air. Though open kami sa suggestions kung paano mai-improve ang shows. Salamat."

Niretweet ni Madrilejos ang isang post ng netizen na nagtanggol naman dito.

"Anyway guys chill, Dra. Analyn actually got reprimanded bad in a later scene for bypassing protocol."

"Other scenes show na the appendicitis impression was not made just with a single poke in the RLQ. And yes her seniors doubted her impression dahil they actually had other ddx."

https://twitter.com/akosi_LA/status/1576747490908721152?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1576747490908721152%7Ctwgr%5Ead54372f35bfb532318c82146ebf9f6c9d44c0d9%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.lionheartv.net%2F2022%2F10%2Fmedical-practitioners-questioned-the-viral-abot-kamay-na-pangarap-hospital-scene%2F

May mga netizen din ang nagsabing teleserye lamang ito at kathang-isip lamang, bagama't nakabatay sa aktuwal na mga ganap sa ospital.

Nagpayo pa ang mga netizen na manood ng mga Korean dramas na pumapaksa rin sa ganitong tema.