Hindi umano pabor ang aktor at chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Tirso Cruz III sa lumutang na mungkahing dapat sumailalim sa mandatory drug testing ang mga artista, bago bigyan o sumabak sa isang proyekto, pantelebisyon man o pampelikula.

Kaugnay ito ng mungkahi ni Surigao Del Norte Representative Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/02/mga-artista-i-drug-test-muna-bago-bigyan-ng-proyekto-rep-barbers/">https://balita.net.ph/2022/10/02/mga-artista-i-drug-test-muna-bago-bigyan-ng-proyekto-rep-barbers/

Nag-ugat ito sa pagkakadakip ng pulisya sa aktor na si Dominic Roco at apat na kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City noong Sabado ng umaga, Oktubre 1. Si Dominic ay anak ng batikang aktor na si Bembol Roco.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/01/aktor-na-si-dominic-roco-4-pang-katao-nasakote-sa-isang-drug-buy-bust-operation-sa-qc/">https://balita.net.ph/2022/10/01/aktor-na-si-dominic-roco-4-pang-katao-nasakote-sa-isang-drug-buy-bust-operation-sa-qc/

"The fight against trafficking and use of illegal drugs should be everyone’s concern as law-abiding citizens of the country. We find it greatly discriminatory, however, that actors and performers from the entertainment industry are being singled out for drug testing," ayon sa panayam kay Cruz ng ABS-CBN.

Dagdag pa, “Worse, there is a strong move making producers shoulder the extra cost for all performers’ drug tests. This is outright unfair and burdensome coming from a pandemic that left so many of us out of work, and getting back on track remains a huge challenge."

Tutol din dito si Rez Cortez na presidente ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND).

"If there’s no reasonable suspicion, why should the entire industry take the brunt of isolated cases?” aniya.

Samantala, boluntaryo namang nagpa-drug test sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules, Oktubre 5, ang aktor at senador na si Senador Robinhood "Robin" Padilla.