CALASIAO, Pangasinan -- Patay ang isang babae habang nakaligtas naman ang kanyang mister nang pagbabarilin umano sila ng hindi pa nakikilalang salarin sa ginagawang diversion road sa Brgy. Bued nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 5. 

Kinilala ni Col. Jeff Fanged, officer-in-charge ng Pangasinan Police Provincial Office, ang biktimang si Ernalyn.

Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa isang motorsiklo na may plate no. na 6556IK, na minamaneho ng kaniyang mister na si Melchor, 38, residente ng Brgy. Cabilocaan.

Binabagtas ng mag-asawa ang ginagawang kalsada nang pagbabarilin umano sila ng mga salarin. Dahil dito, nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima habang hindi naman nasaktan ang driver.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Agad na isinugod ang biktima sa Villaflor Hospital sa Dagupan City, Pangasinan ngunit idineklara itong dead on arrival ng kaniyang attending physician.

 

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo ng krimen. 

Ayon sa imbestigador, titingnan nila nang mabuti kung ang insidente ay isang uri lang ng maling pagkakakilanlan o "mistaken identity."