Apat na barko ng China Coast Guard ang namataan sa bisinidad ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang isinapubliko ng Philippine Coast Guard (PCG) pagkatapos ng kanilang aerial surveillance sakay ng Cessna 208 Caravan sa WPS nitong Huwebes.

Sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu, ang dalawang barko ng Coast Guard ng China ay nasa loob na ng territorial waters sa Bajo de Masinloc habang ang dalawa pa ay nasa labas ng naturang lugar.

Namataan din aniya ang dalawa pang Chinese militia vessels sa bisinidad ng pinag-aagawang karagatan.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Hindi naman aniya nagkaroon ng hamunannang umikot ang tropa ng gobyerno sa lugar.

Sabi rin nito, nakapuwestonaman malapit sa bukana ng lugar ang BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) at BRP Suluan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

Sinabi pa ni Abu na ang dalawang barko ng Pilipinas ay aktibo sa pagbibigay ng relief supplies sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS.