Tiniyak ni Gen. Rodolfo Azurin, Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP), sa pamilya ni Percival Mabasa na gagawin ng pulisya ang lahat para mabiyan ng hustisya ang pagpatay sa beteranong broadcaster.

Bumisita si Azurin sa burol ng Mabasa, na kilala sa industriya ng broadcast bilang Percy Lapid, noong Martes ng gabi, Oktubre 4.

“I gave them the assurance that the police will ensure to investigate the case until the end–to identify all the culprits and to file charges against them,” ani Azurin.

Sinabi ni Azurin na iniutos din niya sa pamunuan ng Southern Police District ang masusing pagsasagawa ng imbestigasyon, kabilang ang pagrepaso sa lahat ng lugar kung saan dumaan si Mabasa bago siya inatake noong Lunes ng gabi, Oktubre 3.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Siya, gayunpaman, ay hindi pa magbibigay ng mga tiyak na detalye tungkol sa motibo ng pag-atake, sa kabila ng pagkakaroon ng persons of interest ay magiging napaaga pa umano upang pag-usapanito lalo na't wala pa ring mga ebidensya na maaaring tumayo sa korte.

“We are looking at different persons of interest but as of now we cannot yet determine because we have no sufficient evidence,” sabi ni Azurin.

Sinabi ni Azurin na tinalakay din niya ang usapin sa pamilya ni Mabasa na nagsabi sa kanya na mas gusto nilang panagutin ang mga tamang tao kahit na mangangahulugan ito ng mas mahabang panahon ng imbestigasyon.

Sinabi ng opisyal na kailangang bigyan ng hustisya ang pagpatay kay Mabasa dahil ginagawa lamang ng beterano at outspoken broadcast journalist ang kanyang trabaho.

“We are now coordinating with all the people who could shed light into this senseless killing and we also appeal to other people to cooperate in order to resolve this matter in the soonest possible time,” dagdag niya.

Dalawang beses na binaril si Mabasa habang pauwi sa harap ng gate ng isang subdivision na kanyang tinitirhan.

Batay sa ulat ng pulisya, sinadyang binangga ng isang puting Sports Utility Vehicle ang kotse ni Mabasa mula sa likuran upang mapilitan itong ihinto ang sasakyan, saka siya binaril ng gunman na sakay ng motorsiklo.

Aaron Recuenco