Nag-iimbestiga na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pamamaslang sa broadcaster at commentator na si Percival Mabasa o Percy Lapid kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Miyerkules.

Dahil dito, nagtungo na ang mga tauhan ng NBI sa burol ng mamamahayag sa Manila Memorial Park sa Parañaque para sa pagsisimula ng imbestigasyon sa kaso.

Dumalaw naman sa burol ni Mabasa sina dating Senator Kiko Pangilinan, dating Presidential Commissions Operations Office Secretary Sonny Coloma at asawa ni Senator Koko Pimentel na si Katrina Yu-Pimentel.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Matatandaang pinagbabaril ng riding in-tandem si Mabasa habang lulan ng kanyang kotse sa labas ng gate ngBF Resort Village, Talon Dos sa Las Piñas nitong Oktubre 3 ng gabi.