Hindi pumalag o umalma si Kapamilya actress Andrea Brillantes sa sinabi ng kaniyang jowang si basketball star Ricci Rivero na siya ang unang nag-"first move" kaya sila naging malapit sa isa't isa, hanggang sa magkapalagayang-loob at maging magkasintahan.

Iyan ang inamin ng dalawa sa latest ">vlog ni Andrea. Sa naturang vlog, sinagot ng magnobyo ang mga karaniwang tanong sa kanila ng mga netizen.

Pag-amin ni Ricci, matagal na niyang nakikita si Andrea noong bata-bata pa ito, subalit walang pagkakataong nagkausap sila.

Sey naman ni Andrea, noong una raw ay naririnig-rinig lamang niya ang pangalan ni Ricci dahil sikat ito sa larangan ng basketball. Naikuwento pa niya na noong nagka-club siya sa BGC sa Taguig, dinaanan lamang at hindi siya pinansin ng basketball heartthrob, kaya ang unang impresyon niya rito ay mayabang.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Dumating din sa puntong nag-follow sa isa't isa sa kani-kanilang social media hanggang sa magka-unfollowan din.

Ngunit nagsimula ang paglalapit ng dalawa nang magmensahe si Andrea kay Ricci tungkol sa zodiac sign. Nakikita raw niya kasi sa socmed ng basketbolista na nagpo-post ito tungkol sa zodiac sign, at dahil mahilig dito ang young actress, ay ikinatuwa niyang may isang lalaking gaya ni Ricci ang nahihilig din dito.

Kaya nang sabihin ni Ricci na si Blythe ang nag-first move, hindi na nakatanggi pa ang aktres.

Matatandaang pinag-usapan ang kanilang pagiging mag-on nang hingin ni Ricci ang matamis na "YES" ng aktres sa harap ng madlang pipol, matapos ang kanilang laro sa SM MOA Arena.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/">https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/

Nagkaroon din ng panayam si ABS-CBN news anchor Karen Davila kay Blythe tungkol sa kanilang dalawa ni Ricci.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/hindi-ako-perfect-marupok-ako-andrea-ibinahagi-ang-kuwento-sa-likod-ng-viral-proposal-ni-ricci/">https://balita.net.ph/2022/07/12/hindi-ako-perfect-marupok-ako-andrea-ibinahagi-ang-kuwento-sa-likod-ng-viral-proposal-ni-ricci/

Si Ricci naman, isinalaysay ang kuwento sa likod ng kaniyang viral na proposal kay King of Talk Boy Abunda.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/15/3-point-shot-andrea-the-one-na-raw-para-kay-ricci-ikinuwento-ang-naging-proposal/">https://balita.net.ph/2022/09/15/3-point-shot-andrea-the-one-na-raw-para-kay-ricci-ikinuwento-ang-naging-proposal/