Tuluyan nang napanood sa ALLTV ang self-titled talk show ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano na "Toni", halaw mula sa kaniyang pinag-uusapan at award-winning online talk show na "Toni Talks" sa YouTube channel.

Umere ang "Toni" nitong Oktubre 3, 5PM, at nagsilbing unang guest niya ay ang kaibigang si Mariel Rodriguez-Padilla, na dati niyang co-host sa reality show na "Pinoy Big Brother" noong nasa ABS-CBN pa sila.

At ngayon, pareho na silang contract artists ng ALLTV.

"Thank you Ma @marieltpadilla for sharing your story and our friendship journey in our pilot episode. I will always replay this episode in my heart …🙏🏼 Thank you for everything," ani Toni sa kaniyang Instagram post nitong Oktubre 3.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Tugon naman ni Mariel, "Love you Toni!!!!!!! Sooooooooo proud of you ❤️❤️❤️ thank you and congratulations."

Samantala, ibinahagi naman ni Toni sa kaniyang IG story ang pagiging emosyunal niya dahil finally ay may sarili na umanong set ang kaniyang Toni Talks.

Screengrab mula sa IG/Toni Gonzaga

Dati raw kasi, sa gilid-gilid lang daw sila nagsasagawa ng mga panayam.

Malaki rin ang pasasalamat ni Toni sa ALLTV dahil sa wakas ay may home network na ulit siya.

Screengrab mula sa IG/Toni Gonzaga

Matatandaang nagbitiw si Toni sa PBB at ABS-CBN noong Pebrero 2021, matapos siyang ulanin ng kritisismo dahil sa pagiging host ng proclamation rally ng UniTeam.