Paghahatian ng dalawang lucky winners ang₱14.9 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Oktubre 3.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles, matagumpay na nahulaan ng dalawang mapalad na mananaya ang six-digit winning combination na 45-04-38-44-21-36 kaya’t naiuwi nila ang katumbas na jackpot prize na₱14,985,585.80.

Nabili umano ng masuwerteng mga mananaya ang kanilang lucky tickets sa Navotas City sa Metro Manila at Panabo City sa Davao del Norte.

Upang makubra naman ang kanilang napanalunan, pinayuhan ni Robles ang mga lucky bettors na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kailangan rin aniya ng mga ito na iprisinta ang kanilang lucky tickets at dalawang valid identification cards (IDs).

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.