Lahat ba ay naitayo na o nasimulan nang magtayo ng Christmas tree sa kani-kanilang kabahayan?

Kung naghahanap kayo ng bagong ganap sa inyong Christmas decors, bakit hindi subukin at gayahin ang "Christmas tree na may Christmas town" na itinayo ng netizen na may pangalang "Mearah Lajara Tria" na talaga namang naghatid ng Christmas vibes!

Bagama't noong Oktubre 2021 pa niya ito ginawa ay muli naman itong binalikan ng mga netizen, lalo't dalawang buwan mahigit na lamang at Pasko na naman. Kilala ang mga Pilipino na may "pinakamahabang" pagdiriwang ng Kapaskuhan, dahil pagsampa pa lamang ng "Ber months" ay nagsisimula na sa paglalagay ng mga dekorasyong pamasko sa bahay.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa ulat, talaga umanong kolektor ng dekorasyong Christmas Village ang uploader, at wala silang kasawa-sawang magpapamilya sa pagkuha ng mga litrato sa harapan nito.

Aminado rin itong balang araw, nais niyang pumasok sa isang "Christmas town". Hindi naman daw kailangang maging mahal ang Christmas decors; maging resourceful at malikhain lamang daw at tiyak na mas mapapaganda pa ang mga palamuting pamaskong naghahatid ng good vibes sa puso ng bawat isa!