Umere na nga ang inaabangang serye ng GMA Network na "Maria Clara at Ibarra" na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, at Barbie Forteza na napapanood sa GMA Telebabad gabi-gabi.

Ang seryeng ito ay halaw mula sa walang kamatayang nobela ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na "Noli Me Tangere", na muling binigyang-buhay upang mailapit sa kabataan ng henerasyong ito.

Ginagampanan ni Barbie ang karakter na si "Maria Clara" o "Klay" na isang nursing student, na hindi maunawaan kung bakit may asignaturang kailangan pang pag-aralan ang naturang nobela gayong wala naman daw itong kinalaman sa kaniyang kurso, at magiging propesyon sa hinaharap.

Dahil dito, magbabalik si Klay sa nakaraan at makakasalamuha niya ang mga karakter sa nobela.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Positibo naman ang naging pagtanggap ng mga netizen at manonood sa unang episode, at bagay na bagay na mapanood ng kabataan ngayon.

Marami rin ang pumuri sa akting ni Barbie, na bagay na bagay raw sa kaniyang karakter, bilang representasyon ng makabagong henerasyon. Si Barbie ay itinuturing na "Drama Princess" ng Kapuso Network. Trending ang kaniyang pangalan sa Twitter.

Screengrab mula sa Twitter

"First episode pa lang but it tackles a wide range of issues like domestic abuse, childhood trauma, poverty and the mundane experiences of every student. Kudos to Barbie Forteza, she is really a versatile (yet) underrated actress. This is promising! #MCIAngSimula."

"GMA really has good drama concepts. And Maria Clara at Ibarra is one of it. It’s my first time watching an EP from a Pinoy drama w/o using my phone haha kinaya ng attention span ko. I hope they maintain the good storytelling though. Plus ang galing at natural umakting ni Barbie Forteza!"

"I love you na agad Klay!"

"Yes gurl, Barbie Forteza, go get that recognition from casuals, ilang araw ka nang pinag-uusapan dito sa Twitter. The deservability! The relevancy! And the talent!"

"I think mananalo ng award sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Andrea Torres for this show #MCIAngSimula."

"Barbie Forteza never disappoints, mapa-light scenes, comedy scenes at heavy drama scenes, on point ang acting. And she is about to conquer yet another genre. #MCIAngSimula."

"Barbie Forteza always understood the assignment. 💯 With her great acting skills, surely she will win the hearts of everyone just by it. She is also that actress who can be paired with everyone with great chemistry."

https://twitter.com/archive08_/status/1576512354677755904