Naispatan si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos kasama ang kaniyang 'rumored' girlfriend at aktres na si Alexa Miro sa isang race event sa Singapore kamakailan.

Sa official website ng Formula 1 Singapore Grand Prix, naglabas ng mga larawan ang mga organizer sa naganap na event noong Sabado, Oktubre 1. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Makikita sa nasabing website ang larawan nina Marcos at Miro na tila nag-eenjoy ang dalawa.

Matatandaang nali-link si Miro sa presidential son dahil sa pagiging close nila sa isa't isa-- na inamin din ng aktres na super close talaga sila nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/14/alexa-miro-inaming-super-close-sila-ni-sandro-marcos/

Kontrobersyal ang kanilang pagdalo sa event dahil dumalo rin umano doon si Pangulong Bongbong Marcos. Gayunman, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz- Angeles na produktibo ang pagdalaw ng pangulo sa Singapore.

"Naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. Pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa bayan na ito, at pinatuloy ang paghihikayat sa pag-invest sa bayang Pilipinas," saad ni Angeles.

As of writing, trending topic sa Twitter ang dalawang personalidad dahil umani na iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen ang kanilang larawan.

"Dear Malacañang, Did our tax also pay for the airfare of starlet and Tropang LOL host Alexa Miro? I doubt it came from her own pocket. Ang saya saya no? Never did I see any Ph president as party-goer and as lavish as PBBM. Pilipinas, pasensya ka na, 6 years ka pang magdurusa."

"damn all this time im paying my taxes only to spend it on alexa miro’s Singapore weekend getaway lol dont @/ me bwongbwong ha im angy"

"Sandro is actually demying coz the girl is a boldstar and a starlet. Alexa Miro does not have a career in showbiz thas why she’s using Sandro to be relevant. But despite that, wala pa ring career at di pa rin sumisikat. Boldstar na, starlet pa. How cheap of Sandro."

"Personal money po ba ginamit ni Alexa Miro or kasama rin siya sa budget ng public officials? Asking for fellow Pinoys na namomoblema sa panggastos araw-araw."

"Ang tanong ko lang nman eh, kailangan ba sumama ni Sandro sa Singapore? Wala ba siyang trabaho sa Kongreso? Ilan ba dapat ang kasama?? Ung Alexa Miro, tag along ba un? Namasahe ba ba sila ng sarili?"

"Ok so BBM is in Singapore to attend the Grand Prix. Pero tayo din ba ang magbabayad ng ticket and private jet nila Sandro, Aniela Tolentino and Alexa Miro? This is too much. This is unacceptable"

"ALEXA MIRO. I will never forget the name and the brand she carries -- GREED. Aba, tawa ng tawa sa Grand Prix. Sana ikaw nagbayad ng gastos mo papunta dun"