Kahit hindi na umano nagkabalikan bilang mag-partner, maganda naman daw ang relasyon nina Pokwang at Lee O'Brian, sey ng showbiz columnist na si Ogie Diaz.

Isa ito sa mga napag-usapan nila ng co-hosts sa isang episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update".

Matatandaang inamin na ni Pokwang na hindi na sila ni Papang Lee, at co-parenting na lang sila nito kay Baby Malia.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/13/pokwang-nilinaw-na-walang-third-party-sa-hiwalayan-nila-ni-lee-obrian/

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

"Hindi sila nagkabalikan, kasi nagkataon lang na birthday ni Papang at yung birthday ni Papang ay sine-lebrate doon sa bahay ni Pokie. Hindi sila magkaisa ng bahay, sa iba nakatira si Papang pero maganda ang kanilang relasyon. Sabi nga ni Pokie, para sa kanilang anak na si Malia," paliwanag ni Ogie sa kaniyang co-hosts nang sabihin niyang maganda ang relasyon ng dalawa.

Wala na rin daw kaso kay Pokwang kung magkakaroon man ng ibang karelasyon si Papang Lee.

"Sabi naman ni Pokie, 'Eh mare, wala na sakin yun.' Kahit nga raw may iba na si Papang, kung meron man siyang mabalitaan, or magkaroon si Papang ng ibang girl, okay lang daw sa kaniya. Ang importante, maganda ang relasyon nila at co-parenting sila para kay Malia."