Nag-react ang Kakampink na showbiz columnist/commentator na si Ogie Diaz sa isang Facebook post na nakapangalan kay dating senatorial candidate Atty. Larry Gadon, patungkol sa mungkahi nitong sana raw ay kuning endorser ng Facebook si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano, na kamakailan lamang ay umani ng kritisismo nang kuning bagong endorser ng isang online shopping app.

Mababasa ang ganito sa naturang FB post, "Mga Katropa Sana kunin din si Toni Gonzaga ng Facebook bilang endorser para magsilayasan na yung mga 'BOB*' dito sa fb."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Ibinahagi naman ito ni Ogie Diaz sa kaniyang tweet

"Sana kunin kang endorser ng mga bobo para pilitin na nilang maging matalino.😂", aniya.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1576741805302784001

Hindi naman beripikado kung lehitimong social media account ba ito ni Atty. Gadon o fan-based lamang. Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Atty. Gadon tungkol dito.