Isa sa mga celebrity na nagbigay ng kaniyang reaksiyon tungkol sa panawagang i-boycott o i-cancel ang online shopping app na ineendorso ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano ay ang aktres at konsehala ng Quezon City na si Aiko Melendez.

Sa kaniyang Facebook post noong Oktubre 1, tila nanimbang sa mga bagay-bagay si Aiko tungkol sa nangyaring pagtatanggal ng mga empleyado ng Shopee at pagpapakilala naman kay Toni bilang bagong endorser. "Wrong timing" umano ito.

"Sana mag-stick po tayo na mali ang timing ng ginawa Shopee sa pag-alis ng mga tauhan nila at pagbabawas. Dahil di po ito makatao," ani Aiko.

"Pero mali naman ang atakihin n'yo ang kinuha nilang endorser dahil iba ang political leanings niya. Ang Shopee din lang ang makakaalam na baka kaya kinuha nila si Toni Gonzaga para maisalba also ang sales nila at eventually pag nakabangon sila i-hire back ang mga tao."

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"Sana nga ganun ang diskarte nila, whether we like it or not, si Toni is one of top endorsers and kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales. Wag na kayo maging divided para sa isang Company, maging malawak sana ang pag-iisip ng mga tao."

"Sa Shopee n'yo i-call ang attention n'yo dahil sila ang nag-alis ng mga empleyado nila and not Toni!," dagdag pa ni Aiko.