Sa pangalawang pagkakataon, muling hinanap ng mga madlang pipol na netizen si "Miss Q&A Season 1" Grand Winner Juliana Parizcova Segovia, sa muling pagbabalik ng mga "resbeki" sa season 2 nito.

Noong Sabado, Oktubre 1, muling bumalik sa naturang segment ang mga "resbeki" o mga dating kalahok kagaya nina Brenda Mage, Odessa, Manny, Dionisia, Ralph, Jewel, Marigona, Elsa Droga, at iba pa.

"🌈✨Kabahan na kayo sa talakan at tawanan na kaganapan! 🤣 Abangan ang tapatan sa kudaan ng 👑 Miss Q and A All Starwalahan! #ShowtimeMQAallStarwarlahan," saad sa caption ng Facebook post ng noontime show.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa comment section, hinanap ng mga netizen si Juliana.

"Wala si Juliana."

"Asan Si JULIANNA palabasin n'yo si Lodi JULIANNNnnnnnaaaaaa."

"Oi si JULIANA pansinin n'yo naman."

"Bakit po wala si Juliana?"

"Asan yung Unang Reyna di invited?"

Bukod kay Juliana, wala rin sa naturang "pagtitipon" si Lars Pacheco na hinanap din ng mga netizen.

Matatandaang sa production number ng muling pagbabalik ng Miss Q&A ay nagtaka rin ang mga netizen kung bakit wala si Juliana.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/juliana-inunfriend-ng-mga-taga-its-showtime-hindi-sinabihang-babalik-na-ang-miss-qa/">https://balita.net.ph/2022/07/31/juliana-inunfriend-ng-mga-taga-its-showtime-hindi-sinabihang-babalik-na-ang-miss-qa/

Ayon kay Juliana, wala umanong nag-imbita sa kaniya mula sa staff ng It's Showtime, at wala rin siyang ideya na may panibagong season ito.