On sale na ang ticket para sa inaabangang fanmeeting event ni ni ‘Extraordinary Attorney Woo’ star Park Eun Bin sa Pilipinas ngayong Oktubre.

Tuloy na tuloy na ang fanmeet ng South Korean actress sa bansa sa darating na Oktubre 23 na inilipat sa New Frontier theater, sa Cubao, Quezon City.

Sa unang anunsyo, matatandaan na sa SM North EDSA Skydome unang itinakda ang event.

Basahin: ‘Extraordinary Attorney Woo’ Park Eun Bin, bibisita sa Pinas; netizen, viral ang hirit sa abogadong karakter – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Samantala, base sa website ng Ticketnet, pumapatak ng P2,500 hanggang P7,500 ang presyo ng kauna-unahang fanmeet ng aktres sa bansa: Platinum – Php7,500, Gold – Php5,500, Silver – Php4,500 at Bronze – Php2,500.

Handog ng Namoo Actors, MJ Tonz Entertainment, PULP Live World and Happee Hour ang nasabing event sa Pinoy fans ng Korean star.

Si Eun Bin ay lalong nakilala sa karakter ni “Woo Young Woo” sa “Extraordinary Attorney Woo,” isang espesyal na autistic lawyer.

Maliban dito, nakilala ang aktres sa mga patok ding Korean dramas kabilang ang “The King’s Affection,” “Do You Like Brahms,” “Hot Stove League,” bukod sa iba pa.