Pabirong hiniling ng online personality na si "Miss Everything" sa kaniyang followers na i-edit nila ang kaniyang latest photo kung saan nakasakay siya sa isang motorsiklo; at sana raw, may "backrider" siya o angkas na boylet.
"Hi everything! Can you editing I have an Backride or Angkaser that who are Handsome boy with a nice body synthesis đź¤đźĄ° plsss. I’ll be backining if you are ideting think you pođź¤," aniya sa kaniyang Facebook post.
Game na game naman ang mga netizen na nag-edit nito at binigyan nga siya ng "boylets".
Kabilang sa inilagay nila ang Kapuso actor na si Derrick Monasterio, Kapamilya heartthrobs Daniel Padilla at Joshua Garcia, gayundin ang Korean superstar na si Park Seo-joon.
Kamakailan lamang, sinabi ni Miss Everything na pansamantala siyang nanahimik sa social media dahil in love siya. Magiging aktibo na lamang daw siya ulit kapag broken-hearted na siya.