Iginiit niSurigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers nitong Linggo na dapat isailalim muna sa drug testing ang artista bago mabigyan ng proyekto.

Ito ang mungkahi ni Barbers, chairman ngHouse Committee on Dangerous Drugs, kasunod na rin ng pagkakaaresto ng pulisya sa aktor na si Dominic Roco at apat na kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City nitong Sabado ng umaga.

“Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth. They would be setting bad examples if they would be involved in the use of drugs, or worse selling drugs,” giit ng kongresista.

“Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga,” pagpapatuloy ni Barbers.

“Kaya hinihiling at hinihikayat ko ang hanay ng ating movie industry na tumulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police sa kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test bago bigyan ng pelikula,” sabi pa ni Barbers sa isang television interview.

Matatandaangnahuli umanong may dalang illegal drug si Roco at apat pa niyang kasamahan, nang salakayin ang isang townhouse sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City nitong Oktubre 1 ng umaga.

Ang grupo ni Roco na nasa kustodiya pa rin ng pulisya ay nahaharap na sa kasong paglabag saComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.