Tuwang-tuwa ang mga netizen sa TikTok video ng isang lalaking nagngangalang "Randy Hugo" matapos niyang ibahagi ang kaniyang "lakas-trip" na pagsigaw sa ituktok ng "Igorot Stone Kingdom", isang tourist attraction site sa Baguio City.

Ayon sa caption ni Randy sa kaniyang TikTok videos, unang beses niyang makarating sa Igorot Stone Kingdom. Sa unang video, lakas-loob na sumigaw nang pagkalakas-lakas si Randy sa mga kapwa Pilipinong turistang namamasyal sa ibaba.

"Pinatawag ko kayo… para maghatid ng magandang balita! Ameeennn!!!" aniya.

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza

Sa pangalawang video naman, dito na siya nagpa-"Hep! Hep! Hooray!" sa mga tao.

"Mga kababayan… 'Hep! Hep!"

"Hooray!" game na sigaw naman ng mga tao.

"Thank you!" tawang-tawang sabi ni Randy, gayundin ng mga kasama niya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Akala ko kung anong announcement 'Hep! Hep! Hooray!' pala sabay THANK YOU 🤣😂 Good job people of Igorot Stone Kingdom!"

"Crowd passed the vibe check!"

"Hahahahaha made my day! Participative ang crowd, in fairness!"

"HAHAHAHAHAHA puwede ka nang maging hari ng kingdom na ‘yan."

"Akala ko talaga mamimigay siya ng ayuda ng mga oras na 'yon hahaha."